Your Ad Here readbud - get paid to read and rate articles

Saturday, March 27, 2010

MTRCB orders suspension of Showtime for one month

Source: PEP.PH
Showtime for one month'>


 

Showtime hosts (left to right) Vhong Navarro, Anne Curtis, and Kim Atienza.





Isang buwan na namang suspension ang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa morning talent-search show ng ABS-CBN na Showtime. Ito ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng programa noong Enero.



Bukod sa Showtime, kasama rin sa suspension ang panandaliang pumalit na programa rito, ang Magpasikat. Iminungkahi rin ng MTRCB ang pagsampa ng "criminal charges" laban sa ABS-CBN Head of Entertainment Production Linggit Tan at iba pang kaugnay na opisyal ng network na "responsible for the violation."



Sa kabilang banda, hindi naman na ikinagulat ng ABS-CBN ang desisyong ito ng MTRCB. Ayon sa press statement na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio kaninang hapon, March 26, sa PEP (Philippine Entertainment Portal): "Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime."



BACKGROUND. Matatandaang nag-utos ng 20-day preventive suspension ang MTRCB sa Showtime noong Enero kasunod ng hindi magandang pahayag ng aktres na si Rosanna Roces bilang judge tungkol sa mga guro.

MTRCB orders suspension of Showtime for one month



Showtime hosts (left to right) Vhong Navarro, Anne Curtis, and Kim Atienza.

Noel Orsal

MTRCB orders suspension of Showtime for one month

Nerisa Almo

Friday, March 26, 2010
06:59 PM

Rating
[Rate as 1] [Rate as 2] [Rate as 3] [Rate as 4] [Rate as 5]

*
*
* Bookmark and Share
* Share92

Isang buwan na namang suspension ang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa morning talent-search show ng ABS-CBN na Showtime. Ito ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng programa noong Enero.



Bukod sa Showtime, kasama rin sa suspension ang panandaliang pumalit na programa rito, ang Magpasikat. Iminungkahi rin ng MTRCB ang pagsampa ng "criminal charges" laban sa ABS-CBN Head of Entertainment Production Linggit Tan at iba pang kaugnay na opisyal ng network na "responsible for the violation."



Sa kabilang banda, hindi naman na ikinagulat ng ABS-CBN ang desisyong ito ng MTRCB. Ayon sa press statement na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio kaninang hapon, March 26, sa PEP (Philippine Entertainment Portal): "Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime."



BACKGROUND. Matatandaang nag-utos ng 20-day preventive suspension ang MTRCB sa Showtime noong Enero kasunod ng hindi magandang pahayag ng aktres na si Rosanna Roces bilang judge tungkol sa mga guro. (CLICK HERE to read related article.)



Agad umapela ang ABS-CBN sa Court of Appeals para maalis ang suspension. Habang naghihintay ng desisyon, bumuo ang network ng isa pang programa na pansamantalang pumalit sa Showtime, ang Magpasikat.



Matapos ang ilang linggo, dininig ng Court of Appeals ang apela ng Showtime sa pamamagitan ng pag-isyu ng Temporary Restraining Order na nagbigay-daan upang muling magbalik sa ere ang Showtime.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng MTRCB ang imbestigasyon sa controversial episode ng Showtime. Ang panibagong suspension order ay kaugnay ng naging resulta ng nasabing imbestigasyon.



SHOWTIME GOES ON. Sa statement na inilabas ng ABS-CBN, binanggit nito na hindi pa naman "final at executory" ang desisyon ng MTRCB kaya tuloy pa rin ang pagpapalabas ng Showtime. Aapela rin daw ang ABS-CBN sa Office of the President.



Ito ang full statement ng ABS-CBN:



"Ang lumabas na desisyon ng MTRCB kaugnay ng programang Showtime ay hindi na ikinagulat ng ABS-CBN.



"Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime. Matatandaang, tuwirang kiniwestyon ng pamunuan ng ABS-CBN ang 'validity' ng ipinataw na preventive suspension order kung kaya't ang ABS-CBN ay naghain ng pormal na reklamo sa Ombudsman laban sa MTRCB chairman sa paglabag nito sa anti-graft and corrupt practices act.



"Ang desisyon ng MTRCB ay hindi final and executory. Hindi sang-ayon ang ABS-CBN sa nasabing desisyon kung kaya't ito'y iaapela sa Office of the President.



"Samantala, ang SHOWTIME ay patuloy na mapapanood at magbibigay aliw at inspirasyon sa mga kapamilya sa buong mundo."

Post a Comment



 

Disclaimer :Pinoylink360 - Online Filipino Hub claims no credit for any information,news,videos and images featured on this site. All visual content is copyright to its respectful owners. Information on this site may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the images, and do not wish them to appear on this site, please contact us by posting a comment and they will be promptly removed. If you have any legal issues please contact appropriate media file owners.