Your Ad Here readbud - get paid to read and rate articles

Wednesday, March 24, 2010

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao: What's the real score?

Source: PEP
Nanganak ang balita tungkol sa Boracay trip nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Ang painakahuling impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, ika-23 ng Marso: May "PDA" o (Public Display of Affection) ang dalawa.



Kung tutuusin, wala namang masama kung ang dalawang "single" celebrities tulad nina John Lloyd at Shaina ay maging sweet sa isa't isa. Wala ring masama kung pipiliin nilang gawing pribado ang kanilang personal na buhay.



Pero hindi nila mapipigilan ang publiko na magtanong, at ang medya para maghanap ng kasagutan, lalo pa't ang lalaki kasing naiuugnay sa isyu ay isang Box Office King at isa sa mga pinakasikat na aktor sa kanyang henerasyon.



Si Shaina naman ay isa sa mga up and coming leading ladies ng Kapamilya network. Bilang nakababatang kapatid ng actress-singer na si Vina Morales, nakatutok na sa kanya ang camera simula pagkabata.



Nitong nakaraang linggo, nabanggit sa telebisyon at pahayagan na nauna silang dalawa sa Boracay ilang araw bago nagsidatingan ang malaking grupo ng ABS-CBN talents para sa summer special ng ASAP XV.



Isang source ang nagsabi na umaga raw ng Huwebes, ika-18 ng Marso, nakita ang dalawa sa lobby ng Shangri-La's Boracay Resort and Spa, na ayon sa website nito ay may sariling private lounge sa Godofredo P. Ramos Caticlan airport at speedboat transfer na diretso mismo sa lugar. Tila kararating pa lang noon ng 26-year-old actor at 20-year-old actress dahil kasunod nila ang kanilang mga gamit.



Naiulat sa Manila Bulletin na sa isang villa raw sila nag-check in, pero ayon sa source ay tumuloy sila sa North Wing, kung saan naroon ang mga De Luxe Rooms.



Biyernes na noong namataan muli ang dalawang Kapamilya stars sa beachfront ng resort. Napakalambing daw ng dalaga sa binata habang nagbibilad sila sa araw.



Isa pang source ang nagsabi na mailap ang dalawa sa tao, at naging visible lamang noong rehearsal at actual taping ng show na naganap noong Linggo, ika-21 ng Marso. Nakita rin daw niya ang dalawa sa beach, at dugtong niya, "Sweet sila. Kumbaga, PDA..."



Noong Lunes, ika-22 ng Marso, daw natapos ang Boracay rendezvous ng dalawa dahil namataan sila ng pangalawang source na paalis ng resort.

0 comments:

Post a Comment | Feed

Post a Comment



 

Disclaimer :Pinoylink360 - Online Filipino Hub claims no credit for any information,news,videos and images featured on this site. All visual content is copyright to its respectful owners. Information on this site may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the images, and do not wish them to appear on this site, please contact us by posting a comment and they will be promptly removed. If you have any legal issues please contact appropriate media file owners.