Your Ad Here readbud - get paid to read and rate articles

Wednesday, March 24, 2010

Anne Curtis on proliferation of her nip-slip photo: "Galit ako! Feeling ko nabastos ako!"

Source: PEP

Binasag na ni Anne Curtis ang kanyang katahimikan tungkol sa wardrobe malfunction na nangyari sa kanya habang nagsasayaw siya sa isang production number ng ASAP XV sa Boracay last Sunday, March 21.
Aksidenteng nasilipan ng kanyang dibdib si Anne habang sumasayaw siya. Ang kuwento at maging ang larawan at video ng naturang pangyayari ay biglang kumalat sa Internet. Isa ring tabloid ang nag-post ng larawan ni Anne sa cover nila.



Nagpadala na rin ng request letter ang Viva Artists Agency (VAA) sa ilang publikasyon para itigil na ang pag-a-upload ng larawan ni Anne na kuha mula sa naturang insidente sa Boracay.



NOT A PROMOTIONAL SLANT. Sa panayam ni Anne sa crew ng iba't ibang news programs ng ABS-CBN, sinabi niya na naiyak siya dahil sa nangyari.



"Yung dito na side ko, may double-sided tape. But the thing is, yung action of doing a lift, naano talaga siya... All I wanted was to do my job properly. Sobra nga akong nalungkot at kinabahan dun sa nangyari kaya ako naiyak after ASAP," saad ng young actress.



Nagsalita rin ang ex-boyfriend at leading man ni Anne sa bago nilang movie under Star Cinema, ang Babe, I Love You, na si Sam Milby tungkol sa insidente. Aniya, hindi raw ito parte ng promotional slant for their movie tulad ng sinasabi ng iba.



Sabi ni Sam, na nasa tabi lang ni Anne during the interview, "It was an accident at hindi naman sinadya. I mean, some people said it's for promotion or whatever. I mean, why do we need to expose hers for promotion? Sobrang disrespectful and for tabloid to have it on a front cover? That was really disrespectful."



Dugtong naman ni Anne, "At dun ako nagagalit. Kasi, bakit mo gagawin yun? Na walang silang pasabi...although alam naman siguro nila na ang magiging sagot ko dun, hindi. Kasi katawan ko yun, e. Hindi ko naman ginusto yung nangyari. So, nakakasama ng loob na ginawa pa nilang front cover."



"GALIT AKO!" Ayon pa kay Anne, pinag-uusapan na ng Viva at ng daddy niya na si Atty. James Curtis Smith kung ano ang kanilang gagawin sa paglabas ng litrato ng young actress sa tabloid at sa Internet.



"If Viva believes na merong kaso yun, ako I'm all for it," sabi niya. "Para matigil hindi lang sa akin kundi yung mga susunod pa or yung mga nangyari na ito sa kanila but they didn't have the guts to make laban... If there's a case, I would support it kasi pagkatao ko yun, e, katawan ko yun, e, na hindi ko naman sinadya.



"Wala silang puso sa ginawa nila! Maiintindihan ko kung word of mouth lang, kung napag-usapan lang, pero para ilabas sa isang tabloid, that's below the belt at medyo nakakabastos at nakaka-violate.



"Galit ako! Feeling ko nabastos ako!" diin pa ni Anne.



Anong lessons ang natutunan niya sa insidenteng ito?



"As you all know, it's a wardrobe malfunction. Wala naman kaming choice kasi nasa Boracay kami. The only thing that I can do now siguro is move on, deal with it and just hope na it will pass already. Sana tigilan na. Sana lahat ng may picture, tigilan na ang pag-upload. At sa mga nag-upload na sa mga blogs nila, please, tanggalin n'yo na," pakiusap ni Anne.

4 comments:

Anonymous said...

this is bad... I think its FAD again!

Anonymous said...

oww! thats bad for her... Kumalat na nga yung mga pics!

Anonymous said...

nang yayari naman sa lahat to ehH.. kaya nga tinawag na wardrobe malfunction! anu ba mga tao..
hay nku

Anonymous said...

Tama nga!alfunction nga eHh. ganun talaga pag pinoy. tinatawanan yung mali ng iba. hindi iniisip ying sarili!

Post a Comment | Feed

Post a Comment



 

Disclaimer :Pinoylink360 - Online Filipino Hub claims no credit for any information,news,videos and images featured on this site. All visual content is copyright to its respectful owners. Information on this site may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the images, and do not wish them to appear on this site, please contact us by posting a comment and they will be promptly removed. If you have any legal issues please contact appropriate media file owners.