Wednesday, February 24, 2010
Suporta ng Magdalo group lumipat kay Villar
Source: GMANEWS
MANILA – Sa kabila ng alegasyon ng lihim na alyansa nina Pangulong Gloria Arroyo at Sen Manny Villar, pinili ng grupong Magdalo na pinamumunuan ng nakapiit na si Sen Antonio Trillanes IV ang kandidatura sa panguluhan ng manok ng Nacionalista Party.
Sa ginanap na pulong balitaan sa San Juan City nitong Miyerkules, inihayag ni dating Air Force Lt. Ashley Acedillo na si Villar ang nanguna sa isinagawang botohan ng iba’t ibang chapter ng Magdalo group sa buong bansa.
“Produkto ng malawakan at masusing konsultasyon sa lahat ng sangay ng Magdalo sa buong bansa ang pagsuporta ng aming grupo kay Sen. Manny Villar," ayon kay Acedillo, tagapagsalita ng grupo.
Ang desisyon na suportahan si Villar ay nakapaloob umano sa pinagtibay na Magdalo Party Resolution No. 10-002 na nilagdaan mismo ni Trillanes, tumatayong national chairman ng grupo.
Sinabing limang porsiyento ang lamang ni Villar sa pumangalawang presidential candidate na hindi pinangalanan ni Acedillo, tatakbong kongresista sa unang distrito ng Cebu.
“Nakakuha si Villar 52 porsiyento ng boto na may nagwaging margin ng limang porsiyento sa pangalawang kandidato matapos ang pagbibilang ng boto sa lahat ng chapter kaya napili siya bilang kandidato sa panguluhan ng grupo," paliwanag ni Acedillo.
Noong nakaraang taon bago ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato, lumitaw na si Sen Francis Escudero ang gustong suportahan sa panguluhan ng mga kasapi ng tinatayang 55,000 miyembro ng grupo na may 375 chapter sa antas ng lalawigan, lungsod at munisipyo.
Ngunit dahil umatras si Escudero sa pagtakbo bilang pangulo, kinailangan ng grupo ni Trillanes na muling magpa-survey sa kanilang mga kasamahan upang pumili ng bagong susuportahan.
Lumilitaw na hindi nailipat ni Escudero kay Liberal Party standard bearer Benigno “Noynoy" Aquino III ang suporta ng Magdalo group – samahan ng mga sundalo na nag-aklas sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Acedillo, may mga usapin ang tinalakay nila kay Villar kapalit ng ibinigay na suporta ng grupo. Kabilang na rito ang hindi pakikipag-alyansa kay Arroyo, pagsusulong ng modernisasyon ng military at kapayapaan sa Mindanao.
“Isusulong ni Sen. Villar ang mga adbokasiya ng Magdalo gaya ng pagsugpo sa kahirapan; pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao; at pagreporma at modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at malayang makakapagsilbing muli sa gobyerno ang aming mga kasamahan sa pamumuno ng aming chairman na si Sen. Trillanes," pahayag ni Acedillo.
Tunay na oposisyon
Pinasalamatan naman ni Villar ang suporta ng Magdalo na malaking tulong umano sa kanyang kandidatura lalo na ngayong nasa kritikal na bahagi na ang kampanya sa panguluhan.
“Ang ating pakikipaglaban sa kahirapan ay nakatagpo ng magigiting na kaalyado sa katauhan ng mga kasapi ng Magdalo," ayon kay Villar.
Iginiit din niya na ang suporta ng Magdalo ay patunay na walang katotohanan ang mga balitang siya ang tunay na kandidato ni Arroyo at hindi si administration presidential bet Gilbert Teodoro.
Sa panayam ng dzBB radio nitong Martes para sa Ikaw Na Ba? Presidential Interview na isinagawa ni Mike Enriquez, tinawag ni Teodoro na tsismis lang ang umano'y alyansa nina Villar at Gng Arroyo.
Dahil sa suporta ng Magdalo group, umaasa ang pambato ng NP na matitigil na ang maling impormasyon na ikinakalat ng kanyang mga katunggali sa halalan.
“Ang suporta ng Magdalo ay patunay na tayo ay tunay na oposisyon sa gitna ng mga kasinungalingan hinggil dito (sa secret candidate ni Arroyo)," patuloy ni Villar.
Bukod kay Villar, suportado rin ng Magdalo si LP vice presidential bet Mar Roxas, at mga senatorial candidates na sina Colonel Ariel Querubin (NP), Sen Pilar Juliana Cayetano (NP), Rep. Ferdinand Marcos Jr. (NP), Susan Ople (NP), Gilbert Remulla (NP), Adel Tamano (NP), Brig. General Danilo Lim (LP), Rep Rozzano "Ruffy" Biazon (LP), former Sen Vicente Sotto III (NPC), lawyer JV Bautista (Pwersa ng Masang Pilipino), Sen Jinggoy Estrada (PMP) at Jose de Venecia III (PMP). - GMANews.TV

Labels:
Headlines
related posts:
- Indelible ink deal rebidding eyed
- P1.2-billion package for war vets
- 'Poll automation a black hole'
- MVP 'borrowed' from other grad speeches, says sorry
- Peaceful turnover seen
- 'Have hope amid cynicism'
- 'Automated polls a new beginning'
- Massacre raps vs 2 Ampatuans dropped
- OFWs now tax-exempt
- Overseas voting gets going
0 comments: