Your Ad Here readbud - get paid to read and rate articles

Thursday, April 22, 2010

Definition of Jejemon

Who’s that Jejemon?*
“GOTTA KILL ‘EM ALL!” sabi ng isang Facebook fanpage. Patayin sino? Sa pagbabasa ng birtuwal na pahina, at sa pagbabalasa sa ibang mga pahina sa Internet na nasa labas ng Facebook page na ito, nakita ko ang tinutumbok nila:

“JEJEMON ay mga taong ganito magtype 'e0wSsZz pOwhhZzmUsZtAhH nUah pOwhHzz kEowHsz?' Yung mga taong pinapahirapan magbasa ang iba sa mga pinopost nila kasi kumpleto naman sana ang letters sa keyboard nila, kung anu-ano pa ang ginagamit, like para sa G, ginagamit nilang alternate ang small Q or 9. Yung mga taong pinapahaba at ginagawang komplikado ang simpleng salita..Yan ang JEJEMON.”

JEJEMON. Kombinasyon ng mga salitang “Jeje,” dahil daw kung tumawa sa text ay "jejejeje" ang nakalagay imbes na "hehehehe," o kaya'y posibleng baryasyon ng “J.J.” o “Jumping Jologs” (mga taong inilalarawan bilang mga tambay sa labas ng concert grounds, nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon—madalas kupas—at nakasumbrero o nakaayos ang buhok sa isang gilid, emo-style), at ng “Mon” na mukhang nanggaling naman sa salitang “Pokemon,” na pinaiksing tawag naman para sa “Pocket Monsters” (isang syndicated TV show franchise tungkol sa mga cuddly na halimaw na hinuhuli sa pamamagitan ng isang high tech na “poke ball” at ipinaglalaban sa kanilang version ng cute at cuddly na cartoon sabong). Sa ngayon, umaabot na sa lampas 23,000 ang fans ng fanpage (60,000 pa sa iba), at marami pang mga pahinang nagsusulputan, mga birtuwal na espasyong itinayo para sa paghahayag ng galit sa grupong ito.
Parang si Pikachu nga naman, o si Bulbasaur o Squirtle, mga halimaw na kahit anong gawin ay wala lang maiintindihan sa mga sinasabi.



jejemon_text



IBALIK DAW SA ELEMENTARY ang mga Jejemon. Saan sila dapat kumain? Doon dapat sa JEJELIBEE, nakakatakot naman daw kasi kung makita sila sa may Sbarro o Yellowcab. Tama nga naman, mas mura ang “Jejelibee” at ang mga combo meal nito kesa sa mga pizza at pasta ng Sbarro at ng Yellowcab, pero hindi naman talaga bawal pumasok doon ang kahit sinong tao. Nakakatuwa kung papabalikin sa elementary ang lahat ng mga hindi kayang baybayin ang salitang “hello” nang maayos, pero baka posible rin namang ni hindi nakapag-elementarya ang maraming Pinoy sa Pilipinas (seven to eight percent lang daw ng populasyon ang may access sa mga paaralan), Jejemon man o hindi, at paano ibabalik ang hindi pa nakapagsimula? Tama, minsan mukhang luma nga naman ang kupas na damit, iyong tipo ng pagkakupas na nagmumukha nang kulay abo ang dating kulay itim, minsan din ay madaling makita ang pekeng sombrero at bling-bling, madali itong maipaghiwalay sa iba (lalo kung sanay na sanay ang tumitingin sa mga orig na paraphernalia), pero paano bibili ng “orig” kung minsan ay umaabot sa dalawa hanggang tatlong libo ang isang simpleng kamiseta?

Baka nga ang Jejemon na ang pumalit sa trono ng “Jologs,” na ayon sa librong Jolography ay galing sa mga salitang “DI-lis, tu-YO, it-LOG,” mga pagkaing “pangmahirap” (na kinakain din naman ng kahit sino kung feel nila, lalo pag umaga, o sa mga hapong maulan). Baka ito na ang pantapat sa mga tinatawag na “bakya” noong dekada sitenta, na ginagamit naman na pantawag sa mga taong baduy, walang taste para sa kasusyalan, mga taong ang kaya lang isuot ay ang mumurahing tsinelas (na sa kasalukuyang panahon ng Happy Feet, Havaianas, at Crocs, mukhang hindi na ito ang nagiging batayan ng pagiging mura).

Kapag pinag-uusapan ang mga Jeje, minsan ay pumapasok sa isip ang salitang “konyo.” Paano, mali-mali rin namang mag-Ingles, pero, hindi bakya/jologs/jejemon kundi “sosyal.” Naiisip ko rin ang mga kakilalang bumibili sa mga diffusion line store o kaya’y mga second/third/fourth hand na merchandise sa mga ukay-ukay, pero imbes na tawaging “segunda mano” ay tatawagin nila itong “thrifted.” Naaalala ko ang pagkarami-raming kamag-anak at kakilalang nangibang-bansa na’t bumibisita sa Pinas para bumili sa mga tiangge, naroon sila’t hinahakot ang mga pekeng Lacoste, Guess, Girbaud, paano’y pagbalik nila sa Tate ay wala silang mabibiling mga imitasyon o kahit na anong damit na kasingmura ng mga damit sa sariling bansa. Sa bansang ito, bansa ng mga jeepney, manggang hilaw at bagoong, fishball at sago’t gulaman, sa bansang muling mapapansin ang init at sikip ng trapiko, ang baho at ingay ng lungsod, sa oras na numipis na uli ang mga dala-dalang pitaka, ang pitakang pinuno ng maraming buwan o taon ng pagtatrabaho sa dayuhang lugar.

Baka nga ganoon ang silbi ng tatak na “Jejemon.” Para may mapagtuunan ng pansin. Para may pangtanda lang na oo nga, may iba pa palang tao na mas grabe ang sitwasyon kesa sa atin. Sa atin na may pang-Internet para mag-Facebook, sa atin na may sapat na pondo para makapasok sa eskuwela, makapagtapos ng kolehiyo, makapagtrabaho sa isang okupasyong may sapat na suweldo para makapag-Yellow Cab o Sbarro tuwing a-kinse o a-trenta (at pagtawanan ang mga katabing customer na mas maliit ang inorder na pizza), para sa ating can afford sa kaunting mga luho. Sila, sila ang mga pocket monster ng kabakyaan, nakakulong sa ating kanya-kanyang poke ball ng pang-aalipusta. Pinakakawalan at ikinukulong natin sila kailanman at saan man natin naisin. Kasi, pag may “Jejemon,” may “Jejebusters,” at kapag naipakita natin sa ating mundo na bahagi tayo ng mas sosyal na paksyon, nakararamdam tayo, gaano man kaiksi o kabilis, ng ligaya at pagkapanatag.

Sabi ng isang kanta, “sino ang dakila, sino ang tunay na baliw?” Sa kasong ito, aSk k Lng p0wz, Hu p b c 2nAy n Jjm0nz p0wzz?”







Terms
Study of jejemon = jejemonology
language of jejemon = jejemonian




Source: http://www.thepoc.ne
Religion jejemon - jejemonism

0 comments:

Post a Comment | Feed

Post a Comment



 

Disclaimer :Pinoylink360 - Online Filipino Hub claims no credit for any information,news,videos and images featured on this site. All visual content is copyright to its respectful owners. Information on this site may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the images, and do not wish them to appear on this site, please contact us by posting a comment and they will be promptly removed. If you have any legal issues please contact appropriate media file owners.